Ngui, Daos paparangalan ng PSA

MANILA, Philippines - Tatanggap ng Milo Junior Athletes of the Year plum sina multi-gold swimmers Axel Toni Ngui at Kirsten Chloe Daos sa Milo-PSA Annual Awards Night sa Sabado sa grand ballroom ng Manila Hotel.

Kumolekta sina Ngui at Daos ng pito at anim na gold medals, ayon sa pagkakasunod, sa 2012 Palarong Pambansa at sa Batang Pinoy National Finals.

Ibibigay ng pinakama­tandang media organization na pinangungunahan ni president Rey Bancod ng Tempo ang nasabing award kasama ang Milo, ang long-time supporter ng youth sports program sa bansa, sa nasabing two-hour special rites na inihahandog ng San Miguel Corp., LBC, Smart, Globalport 900, the Philippine Basketball Association, ni Senator Chiz Escudero, SM Prime Holdings, Phi­lippine Sports Commission, Rain or Shine, ICTSI at Philippine Golf Tour at Meralco.

Hinirang si Ngui bilang Most Outstanding Athlete ng Palarong Pambansa nang pagharian ng 18-an­yos na Ateneo student, nangangarap na maging duktor, ang swimming competitions sa Narciso Ramos Sports and Civic Center sa Lingayen, Pangasinan.

 Ang 15-anyos namang si Daos ng Immaculate Conception Academy ang nagbulsa ng anim na ginto sa Batang Pinoy National Finals sa Iloilo Sports Complex.

Show comments