Hopkins naging pinakamatandang boxing champion

NEW YORK — Inagawan ni Bernard Hopkins si Tavoris Cloud ng suot nitong International Boxing Federation light heavyweight crown mula sa isang unanimous de­cision win kahapon sa Barclays Center .

Dahil sa kanyang pana­lo, ang 48-anyos na si Hopkins ang hinirang na pinakamatandang world champion sa kasaysayan ng boxing.

Naging epektibo ang pinakawalang right hand ni Hop­kins laban sa mga jab ni Cloud.

Taglay ngayon ni Hopkins  ang kanyang 53-6-2 win-loss-draw ring record ka­sama ang 32 KOs.

Nagbigay sina judges John Stewart at John Potu­raj ng 116-112 para kay Hop­kins, habang iniskor na­man ni Tom Schreck ang laban sa 117-111.

“Once I felt that rhythm, things became easy after the fourth or fifth round,” sa­bi ni Hopkins. “I wanted to use my speed and reflexes, which I still have at 48. I got a history of destroying young champions.”

Bagamat hindi nabugbog ni Hopkins si Cloud (24-1-0, 19 KOs) sa kabuuan ng laban, nalansi naman niya ang 30-anyos na da­ting kampeon para manalo sa huli.

 

Show comments