OCA chief nagulat sa pagtanggal ng Olympic sports sa Myanmar SEAG
MANILA, Philippines - Suportado ni Olympic Council of Asia (OCA) preÂsident Sheikh Fahad Al-Sabah ang panawagan ng Pilipinas na limitahan ang mga larong hindi kilala sa isinasagawang South East Asian Games.
Sa isang salu-salu na inihanda ng Philippine Olympic Committee (POC) at Philippine Sports Commission (PSC) na ginawa sa Marriott Hotel inihayag ni Al-Sabah ang pagkagulat sa mga larong gagawin sa Myanmar SEA Games mula Disyembre 11 hanggang 22.
Napansin niya ang pagpasok ng mga larong vovinam, kempo at chinlone na nagbibigay ng maraming ginto. Ang chess na isang Olympic sport ay nilagyan naman ng 18 gintong medalya na ang karamihang events ay hindi popular.
“There are 60 new events not known by the Olympic movement and known only by one or two countries,†wika ni Al-Sabah
Hindi naman sakop ng OCA ang SEA Games pero handa silang kumilos para matiyak na ang mga larong nilalahukan ng maraming bansa at hindi ng iilan ang gagawin sa mga susunod na edisyon kung mayroon pang mahahanap na kakampi ang Pilipinas sa ipinaglalaban.
Nagpoprotesta ang Pilipinas sa aksyon na ito ng Myanmar at balak na lamang na magsali ng liÂmitadong bilang ng atleta para hindi masayang ang perang gagamitin sa pagpapadala ng delegasyon.
Bumisita sa bansa ang OCA president dahil sa hosting ng Asian Games Centennial Celebration.
Ang kaganapan ay nakatakda mula Nobyembre 26 hanggang 29 sa Boracay at tiniyak ni Al-Sabah na ang lahat ng miyembro ng OCA ay makikiisa sa selebrasyon.
- Latest