Korona ng Pinoy boxer napanatili pa rin Nietes, Fuentes tabla
MANILA, Philippines - Naging matindi at kapaÂna-panabik ang naging salpukan nina World BoÂxing Organization light flyweight champion Donnie ‘Ahas’ Nietes at Mexican challenger Moises Fuentes.
Ngunit sa huli, nagtapos ang nasabing laban sa isang majority draw sa ‘Pinoy Pride XVIII’ noong Sabado ng gabi sa Waterfront Cebu City Hotel.
Iniskoran ni Filipino judge Atty. Danrex TapdaÂsan ang laban sa 115-113 para kay Nietes at paÂrehong 114-114 naman ang ibinigay nina American AdeÂlaide Byrd at Pat Rusell.
“Nagulat ako sa naging resulta ng laban. Alam ko ako ang nanalo,†nagitlang wika ni Nietes.
May 31-1-4 win-loss-draw ring record ngayon ang 30-anyos na si Nietes kasama ang 17 knockouts, habang bitbit naman ng 27-anyos na si Fuentes ang kanyang 16-1-1 (8 KOs) card.
Ito ang ikaapat na draw ni Nietes matapos ang ang technical draw kay Niño Suelo at dalawang majority draw kina Carlo Besares at Greg Mangan.
Dumugo sa sixth round ang magkabilang kilay ni Nietes dahil sa suntok at banggaan ng mga ulo nila ni Fuentes, ang kasalukuÂyang WBO minimumweight titlist na tumalo sa dating kampeong si Puerto Rican Ivan Calderon via fifth round KO noong Oktubre ng 2012.
Dahil dito, mas naging agresibo sa kanyang atake si Fuentes sa seventh hanggang tenth round.
Ngunit bunga ng paggaÂmit ni Nietes ng kanyang eksperyensa, nakabawi siya sa 11th at 12th round kung saan siya pinaboran ng tatlong judges patungo sa majority draw.
Sa undercard, pinahinto ni World Boxing Council International Silver super bantamweight titlist GeÂnesis ‘Azukal’ Servania (20-0-0, 8 KOs) si Indonesian Angky ‘Time Bomb’ Angkota (26-9-1, 14 KOs) sa 2:59 sa 7th round.
- Latest