MANILA, Philippines - Ibilang na si United NaÂÂtionalist Alliance (UNA) seÂnatorial candidate at San Juan Rep. JV Ejercito Estrada sa mga persoÂnalidad na naghahangad ng kauna-unahang gold meÂdal ng Pilipinas sa OlymÂpics Games.
Hinimok kahapon ni Ejercito Estrada ang mga pangunahing sports leaÂders ng bansa na gawing prayoridad ang pagsasaÂnay ng mga atleta para maÂkamit ang mailap na Olympic gold medal.
Ito ay sa pamamagitan ng pagpapadala sa mga atleta sa iba’t ibang international competitions, kasama na dito ang 2013 Southeast Asian Games sa Myanmar.
Nakatakda ang nasabing biennial sports meet sa Disyembre 11-22.
Ngunit posibleng magpadala ang Philippine Olympic Commitee at PhiÂlippine Sports Commission ng maliit na delegasyon bunga ng pagtatanggal ng Myanmar ng 16 sa 36 sports na pinagkunan ng mga Pinoy ng gintong medalya sa 2011 SEA Games sa Indonesia.
Sinabi naman ni Ejercito Estrada na dapat magpadala ang POC at ang PSC ng ‘lean but mean’ delegation sa Myanmar SEA Games.
“We should focus on training athletes that can win the gold in the SEA Games,†wika pa ng 43-anyos na si Ejercito Estrada, ang senatorial bet para sa May 13 elections.
May 33 events para sa Myanmar SEA Games, ngunit tinanggal ng Myanmar ang mga Olympic sports na kagaya ng water polo, badminton, gymnastics, table tennis at lawn tennis kung saan malaki ang tsansa ng mga Filipino athletes na manalo.
Idinagdag ng Myanmar ang mga non-traditional events na vovinam, tarungderajat, kempo at chin lone.