Bulls upset sa Cavaliers
CHICAGO--Umiskor si Dion Waiters ng mga jumpers, turnarounds at ilan pang mga basket katuwang sina Shaun Livingston at Wayne Ellington.
Kahit wala si Kyrie Irving, pinayukod pa rin ng Cleveland Cavaliers ang Chicago Bulls.
Umiskor si Waiters ng 25 points, samantalang nag-ambag ng 15 si Livingston para tulungan ang Cavaliers sa 101-98 panalo kontra sa Bulls at wakasan ang kanilang 11-game losing slump laban sa Chicago.
Habang ipinapahiÂnga ni Irving ang kanyang kanang tuhod sa sideline, tumipa naman si Waiters ng isang fadeaway jumper at layup kasunod ang drive ni Tyler Zeller para ibigay sa Cleveland ang 87-78 abante laban sa Chicago sa 7:33 sa fourth quarter.
Nakalapit sa dalawang puntos ang Bulls sa huÂling 37.8 segundo ngunit nagmintis si Luol Deng sa kanyang long jumper at umiskor si Livingston ng dalawang free throws para sa 100-96 bentahe ng Cavs.
Pumuwersa naman si Luke Walton ng isang turnÂover para maibalik ang bola sa Cavs.
Tumapos si Ellington na may 13 points para sa Cleveland.
Nagtala naman si Carlos Boozer ng 27 points at may 26 si Deng para sa Chicago.
Sa Miami, gumawa si LeBron James ng 40 points at career-high 16 assists, habang nagdagdag naman si Dwyane Wade ng 39 points para igiya ang Miami Heat sa 141-129 double overtime win kontra sa Sacramento Kings.
Ito ang pang-12 sunod na ratsada ng Heat.
- Latest