^

PSN Palaro

Riders dadagsa sa Kopiko Supercross

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inaasahang dadagsain ng mga riders ang pagbabalik ng aksyon sa Kopiko Astig 3-in-One Supercross Series 2013 sa Marso 9-10 sa Bais City, Negros Orien­tal.

Mas kapana-panabik ang paglulunsad ngayon ng naturang karera kung saan puntirya ng organizers na mahigitan ang tinamong tagumpay ng unang itinanghal ang karera sa South Road Properties sa Cebu noong nakaraang Enero.

“It is very gratifying that more riders especially from the south would like to join the series,” wika ng beteranong race organizer na si Jonas Adlawan, pangulo ng Man & Machine Racing Promotions.

Nagdesisyon ang orga­nizers na ganapin sa su­sunod na buwan ang second leg upang mabig­yan ng sapat na pagkakataon ang mga kalahok na makapaghanda at ma­kapag-ensayo kontra sa inaasahang mabigat na laban ng mga foreign riders.

Sa Cebu, umabot sa 39 koponan ang sumabak sa torneo kabilang ang 10 koponan ng Mindanao sa pangunguna ng Team Pacquiao na pinangangasiwaan ni eight-time world bo­xing champion Manny Pacquiao at kaibigan/trai­nor na si Buboy Fernandez.

Inaasahang babawi sina 2012 Danish Rider of the Year Mathias Jorgensen, runner-up sa Cebu leg, sa  kababayang si world No. 6 Niklaj Larsen.

BAIS CITY

BUBOY FERNANDEZ

CEBU

DANISH RIDER OF THE YEAR MATHIAS JORGENSEN

INAASAHANG

JONAS ADLAWAN

KOPIKO ASTIG

MACHINE RACING PROMOTIONS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with