Kapatid ni AJ Banal nagpasikat; GenSan namumuro sa overall title
MAASIN, Leyte , Philippines --Nagpasikat ang nakababatang kapatid ng world title challenger AJ Banal na si Hipolito Banal Jr. nang masama sa mga boksingero mula Mandaue City na pumasok sa finals sa PLDT-ABAP National Boxing Championship na ginagawa dito.
Pinulbos ni Banal si Joash Jordan ng General Santos City, 28-8, sa semifinals ng junior light flyweight division upang mangailangan na lamang ng isang panalo para kilalaning kampeon sa palaro ng ABAP.
Ang 15-anyos na mag-aaral ng Kabankalan National High School ay babanggain si Patrick Dinolan ng Davao del Norte na tinalo si Mario Jaga ng Bago City, 8-4.
Kilalang malakas din kung sumuntok si Dinolan upang paniwalaan na magiging maaksyon ang tagisan ng dalawa para rin sa puwesto sa national pool.
Ang mga kasamahan ni Banal sa Mandaue na si Jeffrey Estelle na inilampaso si Aldrin Signar ng Tayabas, 19-10, sa junior boys pinweight division.
Lumalabas naman na ang General Santos City ang namumuro sa tagisan para sa overall title sa pagkaÂkaroon ng apat na boksingero sa finals habang ang Misamis Oriental at Davao del Norte na kilalang lugar na pinagmumulan ng mga mahuhusay na boksingero ay nagpasok ng tig-tatlong boxers sa championship round.
- Latest