MANILA, Philippines - Isang liga na kakaiba sa lahat.
Ito ang pangako ng mga taong nasa likod ng National Collegiate Basketball League (NCBL) na pormal na inilunsad kahapon sa Technological Institute of the PhiÂlippines (TIP) Main Conference hall sa Manila Campus.
Apat na koponan na kinabibilanganan ng TIP, Don Bosco Technical College, Centro Escolar University at Trinity University of Asia ang siyang maglalaban sa mini-tournament na gagawin sa Marso 1 bilang paghahanda sa mas malaking torneo sa pasukan.
“Our vision is to uplift and inspire the lives of all stakeholders with this commitment to excellence, sportsmanship and integrity. We hope to hold games in a different manner,†wika ni tournament director Totie Andes.
Una na sa ginawang bago sa liga ay ang pagkuha sa Athletes in Action, na siyang magpapatakbo sa torneo. Si Boy Mallarco ang siyang mauupo bilang league commissioner habang ang iba pang dumalo sa paglulunsad ay sina Fr. Marty Macasaet, SDB, Milagros Gutierrez na athletic director ng Trinity, at Edgar Macaraya na coach ng CEU.
Ang mini-tournament ay magsisimula sa Marso 1 at magtatapos sa Marso 15. Tuwing Biyernes at Martes lang ang laro at single round robin ang mangyayari bago isunod ang knockout cross-over tungo sa one-game finals.