MANILA, Philippines - Hindi malayong maÂging pinakamalaki ang 2013 POC-PSC National Games na pansamantaÂlang itinakda sa huling linggo ng Mayo.
Sa mga paunang pagpupulong, lumalabas na nasa 49 na ang sports disciplines na maaaring gawin sa kompetisyon na lalaruin sa iba’t ibang palaruan sa Metro Manila.
Isinantabi na ng PSC ang planong gawin sa proÂbinsya ang labanan upang makatipid ng gastusin sa pagbiyahe ng tauhan at mga kagamitan.
Wala rin halos tumanggap na maging punong-abala ng palaro dahil sa abala sa eleksyon.
Sa pagpupulong, lumabas na interesado ang maraming NSAs para masukat ang kanilang atleta lalo pa’t ang labanan ay bukas sa mga kasapi ng national team, collegiate athletes at iba pang naniÂniwalang kaya nilang kuminang sa palaro.
Kabilang sa mga nagpahayag ng pagnanais na sumali ay ang golf, futsal, ice skating, diving, windsurfing, motocross, bowling at indoor hockey.
“We started discussing kung saan nila puwedeng gawin ang mga sports nila. Marami ang nagsabing gusto nila kaya pinag-aaraÂlang mabuti kung paano ito gagawin,†wika ni Atty. Jay Alano na PSC Sports Program Secretariat chairman.
Ang basketball ay gagaÂwin din bukod pa sa 3-on-3 sa kalalakihan at kababaihan.
Lahat ng mga national athletes at national pool ay pinapaglaro sa PNG at ito ang nagsisilbing tryouts para manatili sila sa Pambansang koponan.