4-bansa aapela sa Myanmar para ibalik ang tennis sa 27th SEAG
MANILA, Philippines - Magsasanib-puwersa ang apat na Southeast Asian countries para kumbinsihin ang Myanmar na ibalik ang tennis sa mga larong gagawin sa 27th SEA Games sa Disyembre.
Sa pagdalo ni Roland Kraut na isa sa national team coach sa PSA Forum sa Shakey’s Malate kahapon, ibinulalas na ang Indonesia, Thailand, Malaysia at PilipiÂnas ang nagtutulak na bawiin ang desisyon ng host na alisin ang tennis.
Isang pagpupulong ang gagawin ng Asian Tennis Federation (ATF) sa Thailand sa huling linggo ng buwan ng Pebrero at dito isususog ng mga bansang nabanggit ang kanilang apela.
“I believe Myanmar will also attend the meeting. An appeal will be made dahil nagho-host ng ITF events ang Myanmar at hindi nila puwedeng sabihin na hindi nila kaya na mag-host ng ganitong event,†wika ni Kraut.
Sakaling mapapayag ang kahilingang ito, naniniwala si Kraut na palaban ang Pilipinas sa gintong medalya sa hindi bababa sa tatlong events.
“Defending champion tayo sa mixed doubles with Denise Dy at Treat Huey. Malakas din tayo sa men’s singles at doubles with Huey and Ruben Gonzales. So we are really supporting the move dahil malaki ang pakinabang natin,†ani pa ni Kraut.
Patuloy naman ang pagsasanay ng national team players sa kalalakihan dahil pinaghahandaan nila ang tagisan laban sa Thailand sa second round ng Asia-Oceania Zone Group II Davis Cup tie na gagawin mula Abril 5 hanggang 7 sa Plantation Bay and Resort sa Lapu Lapu, Cebu.
Ibinalita ni Kraut, na non-playing team captain ng koponan, na si Huey ay maglalaro sa limang malalaÂking US events habang si Gonzales ay pasok naman sa mga Futures.
Ang mga locals sa pangunguna nina Johnny Arcilla at Elbert Anasta, na nakasama ng dalawang Fil-Ams nang kunin ng Pilipinas ang 3-2 panalo sa Syria sa first round, ay magpapakondisyon sa pagsali sa Olivares Open at Cainta Open.
- Latest