Aces, Energy Cola mag-aagawan sa liderato: Bolts nangisay sa Painters
Laro Ngayon
(Smart Araneta Coliseum)
4:15 p.m. Alaska vs Barako Bull
6:30 p.m. Ginebra vs Petron
MANILA, Philippines - Sumandal ang Elasto Painters kina Paul Lee, Ronnie Matias at Beau Belga sa huling apat na minuto ng final canto patungo sa kanilang panalo.
Tinalo ng Rain or Shine ang Meralco, 91-82, matapos bumangon mula sa isang five-point deficit sa huling limang minuto ng laro sa 2013 PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Puerto Princesa, Palawan.
Kinuha ng Bolts ang 79-74 kalamangan sa 5:43 ng fourth period mula sa basket ni import Eric Dawson, kasunod ang three-point shot ni Ronnie Matias at dalawang freethrows ni Lee para itabla ang Elasto Painters sa 79-79.
Ang dalawang mintis na freethrows ni Chris Ross para sa Meralco ang nagresulta sa tres ni Lee para itaas ang Rain or Shine sa 82-79 sa 3:25 ng laro kasunod ang tres ni Beau Belga para ilayo ang iskor sa 85-79 sa huÂling 2:40.
Samantala, pag-aagawan ng Aces at ng Energy Cola ang lideÂrato, samantalang pipigilin naman ng Gin Kings ang kanilang pagbulusok sa pakikipagtuos sa Boosters.
Magtatapat ang Alaska at ang Barako Bull ngaÂyong alas-4:15 ng hapon kasunod ang salpukan ng Petron Blaze at Barangay Ginebra San Miguel sa alas-6:30 ng gabi sa 2013 PBA Commissioner’s Cup sa Smart Araneta Coliseum.
Huling nagtala ang Aces ng 2-0 record noong 2011 Commissioner’s Cup kumpara sa Energy Cola noong 2009 Fiesta Conference.
Kasalukuyang magkaÂsalo sa liderato ang Alaska at ang Barako Bull mula sa magkatulad nilang 2-0 kartada kasunod ang Globalport (2-1), Talk ‘N Text (1-1), Petron (1-1), Air21 (1-1), Rain or Shine (1-1) Meralco (1-2), nagdedepensang San Mig Coffee (0-2) at Ginebra (0-2).
Ang dalawang sunod na panalo ng Aces ay mula sa kanilang paggiba sa Elasto Painters at Bolts mula sa pagbibida nina import RoÂbert Dozier, Cyrus Baguio at rookie Calvin Abueva.
- Latest