MANILA, Philippines - Tatangkain uli ng San Miguel Beermen na maitala ang kauna-unahang back-to-back wins sa 4th ASEAN Basketball League (ABL) sa pagbisita sa MABA Gym para kaharapin ang Westports Malaysia Dragons ngayong hapon
Dakong alas-3 ng haÂpon magsisimula ang salpukan na kung saan hanap ng host Dragons na tapusin ang apat na suÂnod na pagkatalo matapos buksan ang kampanya sa dalawang sunod na paÂnalo.
Galing ang tropa ni coach Leo Austria mula sa 77-73 panalo sa Chang Thailand Slammers noong Miyerkules sa Bangkok para hawakan ang 3-2 baraha.
Bagama’t dayo, napaÂpaboran ang Beermen dahil bukod sa losing streak ng Dragons, magilas naman ang laro mula sa mga inaasahan sa huling asignatura.
Si Chris Banchero na sariwa sa pagtala ng 26 puntos sa huling laban ang aasahan na magbibigay ng direksyon sa koponan na sasandal din sa mahusay na si Gabe Freeman na naghahatid ng 22.5 puntos at 11.5 rebounds matapos ang limang laro.
Si Brian Williams ay babalik sa MABA gym na kanyang pinaglaruan noong nakaraang season at inaasahang babalik ang kanyang bangis na nawala sa huling asignatura nang gumawa lamang ng tatlong puntos.
“It’s been a see-saw season for us. There will be off-nights for every player but what is important is for everyone in the team to rise and try to contribute in anyway they can,†ani Austria.
Hinugot naman ng troÂpa ni Ariel Vanguardia sina Sam Monroe at Fil-Am Justin Melton para palakasin ang kanyang arsenal.