MANILA, Philippines - May ibang sports events ang puwedeng lahukan ng Pilipinas upang maging palaban pa rin sa 27th SEA Games na gagawin sa Myanmar mula Disyembre 11 hanggang 22.
Ito ang winika ni Olympic Council of Malaysia (OCM) Honorary secretary Datuk Sieh Kok Chi na dinepensahan din ang host sa aksyon na ginawa lalo na patungkol sa pagpili ng mga larong gagawin sa torneo.
“Myanmar had only listed a few types of traditional sports and the Philippines can still participate in many other sports,†wika nito sa panayam ng Bernama news.
Nagtataka rin si Kok Chi kung bakit may mga banÂsang umaalma sa hakbang ng Myanmar gayong matagal na umano ginagawa ang bagay na ito. Tinuran niya na may ipinasok ding sports noong isinagawa ang laro sa Pilipinas, Thailand at kahit sa Indonesia.
Ang Pilipinas ay isa sa mga umaalma sa pagkakaalis ng mga larong malakas ang bansa at pinalitan ng mga larong patok sa Myanmar. Dahil nararamdamang talo na kahit hindi pa nagsisimula ang aksyon, balak ng Philippine Sports Commission at Philippine Olympic Committee na magpadala lamang ng limitadong bilang ng atleta sa SEAG.
Ang aksyon ito, ani ni Kok Chi, ay patunay lamang na mahina na ang sports program ng bansa.
Sa halip na magreklamo, dapat na lamang na suÂportahan ang hosting ng Myanmar dahil nais din ng nasabing bansa na umunlad uli ang palakasan sa kanilang lugar.