Donaire pahihirapan ng istilo ni Rigondeaux
MANILA, Philippines - Ang istilo ni Cuban super bantamweight titlist Guillermo Rigondeaux ang magbibigay ng problema kay unified world super bantamweight champion Nonito Donaire, Jr. sa kaÂnilang unification fight sa Abril 13.
Sinabi kahapon ni Boris Arencibia ng Caribe Promotions, ang co-promoter ni Rigondeaux, na kakaibang boksingero ang makakatapat ni Donaire, nagtala ng apat na panalo noong nakaraang taon.
“Nonito will feel the poÂwer of his punches. RiÂgondeaux is a stylist, who breaks his opponents down,†wika ni Abencinia. “And when Nonito starts to get frustrated, that’s the moment Rigondeaux will push his attack.â€
Ang 30-anyos na si Donaire (31-1-0, 20 KOs) ang kasalukuyang World Boxing Organization at International Boxing Federation super bantamweight champion, habang ang 32-anyos na si Rigondeuax (11-0, 8 KOs) ang may hawak ng World Boxing Association belt.
Nauna nang pinaboran ni dating Puerto Rican world two-division king Juan Manuel Lopez (32-2-0, 29 KOs) si Donaire kontra kay Rigondeaux. (RC)
- Latest