MANILA, Philippines - Pakakawalan ang 2013 Honda motorcycle-racing seaÂson sa Pebrero 17 sa MX Messiah Fairgrounds, Club Manila East, Brgy. San Juan sa Taytay, Rizal.
Ang five-leg (Peb.17, Marso 3, Marso 10, Abril 7 at Abril 28) events ay inorganisa ng Xtreme Adrenaline Sports Entertainment Company (XAS).
“Exciting event ito sa larangan ng Motocross pinagsaÂsama lahat ng magagaling,†sabi ni XAS president Sam Tamayo
Ang mga club at group na nagpahayag ng kanilang interes na sumali ay ang Sel-J, Ktm- Access Plus, X-Rod, Team Bente Bente, Mofaku sa gabay nina Jovie Saulog, Jolet Jao, Ambo Yapparcon at mga Namssa riders.
Ang mga kategoryang paglalabanan ay ang Pro Open Production, Pro Lites (Inter/Novice), Veterans Open Production (35 & above), Beginners Open Production, Pro Open Local Enduro, Honda One Make Race, Open Underbone, Stock Underbone, Kids 65cc & below at Kids 85cc-150R.
Sa detalye sa five leg events at activities ay bumisita sa www.mxmessiahfairgrounds.