^

PSN Palaro

Sarmiento handa sa hamon ni Ordiz

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dapat na maging handa ang challenger na si Isaiah “Ice” Ordiz sa ma­tinding laban na ibibigay ng nagdedepensang lightweight champion Harris “The Hitman” Sarmiento na mapapanood bukas ng gabi sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Ang tagisan ang main event sa siyam na laban  sa unang promotion na handog ng PXC 35 sa taon na maaaring magsimula sa alas-9 ng gabi at mapapanood ng live sa IBC-13.

“I will be fighting at my comfortable weight. Anything can happen inside the ring but I just what to get up there and fight,” wika ni Sarmiento, may 35-24 win-loss card sa press conference kahapon sa Max sa Roces sa Quezon City.

Si Sarmiento ay lumaban sa PXC 34 noong Nobyembre na ginawa sa Araneta Coliseum at natalo siya kay Mark Streigl sa isang non-title fight na ginawa sa 145-pound division na mas magaan sa pinaghahariang timbang.

“I’ve change everything in my training camp and did more in boxing and jujitsu,” dagdag ni Sarmiento na pagpapakita na seryoso siyang mapanatili ang hawak na titulo.

Kampante rin si Ordiz sa kanyang tsansa at sinasandalan ang kanyang height advantage para maagaw ang titulo sa kanyang ikatlong pro-fight pa lamang.

 

vuukle comment

ARANETA COLISEUM

DAPAT

MARK STREIGL

ORDIZ

PASIG CITY

QUEZON CITY

SARMIENTO

SI SARMIENTO

YNARES SPORTS ARENA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with