Celtics silat sa Bobcats
CHARLOTTE, N.C. -- Isa itong masaklap na araw ng Lunes para sa Boston Celtics.
Hindi lamang dahil natapos ang kanilang seven-game winning streak sa kamay ng pinakamahinang koponan sa NBA, nagkaÂroon pa ng injury ang isa nilang guard sa 91-94 kabiguan ng Celtics laban sa Charlotte Bobcats.
Nagkaroon si backup guard Leandro Barbosa, nabigyan ng mahabang playing time matapos magkaroon ng season-ending injury si Rajon Rondo, ng isang left knee injury sa third quarter at kailangan pang buhatin papunta sa kanilang locker room.
Sinabi ni coach Doc RiÂvers na sasailalim si Barbosa sa isang MRI sa Martes.
Sa pitong laro matapos mawala si Rondo, nagtala si Barbosa ng aveÂrage na 9.0 points para sa seven-game winning run ng CelÂtics.
Ang gabi ay nagtampok naman kay Charlotte big man Byron Mullens.
Humakot ang four-year NBA veteran ng career game 25 points at 18 rebounds para wakasan ng Bobcats ang isang seven-game losing skid.
Tumipa si Mullens ng 10 of 16 fieldgoals, habang nagdagdag si Ramon Sessions ng 19 points para sa Bobcats, kasama dito ang isang go-ahead jumper sa huling 25.7 segundo.
- Latest