Laro ngayon
(Ynares Sports Arena)
2 p.m. JRU vs Big Chill
4 p.m. Cebuana Lhuillier vs Cagayan Valley
MANILA, Philippines - Matira ang matibay ang haharaping laro ng apat na koponan sa pagtatapos ng PBA D-League Aspirants’ Cup quarterfinals ngayong hapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.
Unang magtutuos ang Jose Rizal University at Big Chill sa ganap na alas-2 ng hapon bago sundan ng pagkikita ng Cebuana Lhuillier at Cagayan Valley dakong alas-4.
Ang magwawagi ang siyang aabante sa semifinals kasama ang NLEX Road Warriors at Blackwater Sports na pinangunahan ang single-round elimination.
May twice-to-beat adÂvanÂtage ang Superchargers at Rising Suns at nasagad sila matapos malusutan ng katunggali noong Martes.
Umani ng 63-61 panalo ang fifth-seed na BomÂbers sa Big Chill habang ang sixth seed Gems ay kumubra ng 84-83 panalo sa Suns.
“Determinado ang team. Alam kong kaya naming ulitin ito pero dapat na mas gumanda ang depensa namin,†wika ni Meneses na ang koponan ay nasali sa liga sa unang pagkakataon.
Hindi naman patatalo ang tropa ni coach Robert Sison na pumangalawa sa Road Warriors sa nakaraang conference.
Unang dapat na gawin ni Sison ay ang agad na makahanap ng manlalaÂrong ipapalit sa injured na si Terrence Romeo dahil bumigay sa endgame ang koponan.
Balikatan din ang taÂgisan sa Gems at Suns nguÂnit nasa una ang momentum dahil may three-game winning streak sila, ang unang dalawa ay nakatulong para makahabol sila ng puwesto sa quarterfinals.
Nananalig naman si Suns coach Alvin Pua na ang kanyang koponan ang may mas matinding determinasyon upang mapalawig ang pinakamagandang kampanya sapul nang sumali sa liga noong nakaraang conference.
Focus sa Suns ang kakayahang dalhin ang pressure dahil sa unang tagisan ay nawala ang daÂting inaasahang kamador na si Elliud Poligrates na hindi nakaiskor sa loob ng 13 minutong paglalaro.