^

PSN Palaro

PRISAA National Games handa na sa Pangasinan

Pilipino Star Ngayon

LINGAYEN, Pangasi­nan, Philippines --Ipagdiriwang ng PRISAA (Private Schools Athletic Association) ang kanilang pang 60 anibersaryo sa pamamagitan ng pagdaraos ng 2013 Natio­nal Collegiate Games sa Pebrero 10-16 dito at sa Dagupan City.

 â€œThis is going to be the best and the biggest PRISAA competition since its founding in 1953,” sabi ni PRISAA National Chairman Dr. Emmanuel Y. Ange­les.

Si Atty. Felipe L. Gozon, ang chairman, president at CEO ng GMA na siyang gagawa ng official cove­rage ng week-long sportsfest, ang magiging guest of honor at main speaker sa anniversary program sa Pebrero 10 sa Sison Auditorium ng Capitol Complex.

Ibabahagi naman ni  Dr. Angeles ang Jubilee Awards sa mga PRISAA members.

Inorganisa ang PRISAA noong Pebrero 17, 1953 mula sa inisyatibo ni dating Private Schools director Dr. Manuel Carreon.

Ang unang PRISAA meet ay idinaos sa Rizal Memorial Sports Complex noong Marso 8-10, 1953 tampok ang mga atletang sumabak sa mga sports events na kinikilala ng Southeast Asian Games at ng International Olympic Committee kagaya ng basketball, cycling, football, gymnastics, swimming, chess, lawn tennis, table tennis, volleyball at track and field.

CAPITOL COMPLEX

COLLEGIATE GAMES

DAGUPAN CITY

DR. ANGELES

DR. EMMANUEL Y

DR. MANUEL CARREON

FELIPE L

INTERNATIONAL OLYMPIC COMMITTEE

PEBRERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with