^

PSN Palaro

Sa Myanmar Sea Games Pinas delikadong mahulog sa No. 7

RCadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ngayon pa lamang ay inaamin na ng Philippine Olympic Committee na mahihirapan ang isang maliit na delegasyon na kanilang ilalahok na mapaganda ang pang-anim na overall finish noong 2011 para sa darating na 2013 Southeast Asian Ga­mes sa Myanmar.

Nang tanungin kung ano ang kanilang medal projection para sa 2013 Myanmar SEA Games sa Disyembre, sinabi ni Chef De Mission Col. Jeff Tamayo na sasagutin niya ito sa Hulyo.

“I have to see the athletes first bago ako magsabi ng medal projection,” wika ni Tamayo kahapon sa PSA sports forum sa Shakey’s sa Malate. “Kailangang makita ko muna sila, kung ano ang kondisyon nila.”

Matapos hirangin bilang overall champion noong 2005 Manila SEA Games mula sa nahakot na 113 gold, 84 silver at 94 bronze medals, nahulog ang bansa sa No. 6 (41-91-96) noong 2007 sa Thailand, No. 5 (38-35-51) sa Laos noong 2009 at No. 6 (36-56-77) sa Indonesia noong 2011.

Dahil sa plano ng Myan­mar na tanggalin sa ca­lendar of sports ng 2013 SEA Games ang 16 sa 36 events kung saan nakahugot ng gintong medalya ang Pilipinas noong 2011, sinabi ng POC na isang ‘token delegation’ lamang ang kanilang ipapadala.

Ngunit nilinaw ni Ta­mayo na hindi isang basta-bastang delegasyon ang kanilang isasabak sa Myanmar SEA Games.

“Kapag sinabi nating token, we’re talking about the best of the best at hindi ‘yung kung sino lang ang puwedeng pumunta. Huwag namang ganoon,” sabi ni Tamayo. “Iyong the best of the best ng bayan natin ‘yon ang ipadala natin.”

Kabuuang 460 events mula sa 33 sports ang ila­l­a­tag  para sa 2013 Myanmar SEA G.

CHEF DE MISSION COL

DAHIL

DISYEMBRE

JEFF TAMAYO

MYANMAR

PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTEE

SHY

SOUTHEAST ASIAN GA

TAMAYO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with