Sea Lions babanggain ang Mariners sa NCRAA finals

MANILA, Philippines -  Gumawa ng 24 puntos si John Flores para tulu­ngan ang Olivarez College sa 95-68 paggapi sa Rizal Technological University at makumpleto ang 2-0 sweep sa kanilang semifinals series sa 20th National Capital Region Athletic Association (NCRAA) men’s basketball kahapon sa Olivarez College gym sa Sucat, Parañaque.

May tatlong tres na ibinagsak si Flores sa huling yugto na nakatulong sa paglayo ng home team upang sundan ang kinuhang 84-76 panalo noong Huwebes.

Makakaharap ng Sea Lions ang top seed at nagde­depensang kampeon Philippine Merchant Marine School sa best-of-three finals sa ligang suportado ng Molten at Mikasa.

Sa women’s basketball, gumawa ng 12 puntos si Rica Francisco para bitbitin ang RTU sa 60-50 panalo sa La Salle-Dasmariñas para kunin ang 1-0 kalamangan sa championship series.

Binawi naman ng men’s volleyball team ang pagka­talong ito ng La Salle-Dasma nang manalo sa RTU, 25-27, 25-22, 25-15, 25-22, sa Game One ng finals na ginawa sa RTU gym noong Biyernes

Show comments