AUBURN HILLS, Mich.--Naimintis ng isa sa pinakamagaling na free throw shooter sa NBA history ang dalawa niyang charities sa huling 1.2 segundo at nagkaroon ang Detroit Pistons ng tsansa para sa isang game-winning shot.
Inihagis ni Kyle Singler ang bola sa ere para sa isang slam dunk ni rookie Andre Drummond laban kay Pau Gasol.
Ngunit nadepensahan ito ni Gasol para tulungan ang Los Angeles Lakers sa 98-97 panalo laban sa Detroit Pistons.
Tumalbog ang dalawang free throws ni Steve Nash, isang 90.4 percent foul shooter sa kanyang NBA career, sa huling 2.7 segundo sa laro para sa Lakers.
Humakot si Gasol ng 23 points at 10 rebounds para sa Lakers at hinarang ang alley-oop dunk ni Drummond.
Sinayang ng Lakers ang itinayo nilang 18-point lead sa third quarter ngunit nakamit pa rin ang kanilang pang limang panalo sa huli nilang anim na laro.
Ito ang ikalawang suÂnod na panalo ng Los AngeÂles sapul nang mawala si Dwight Howard. Muling naupo ang All-Star center dahil sa kanyang right shoulder injury.
Ang driving three-point play ni Kobe Bryant sa huÂling 1:09 sa fourth quarter ang nagbigay sa Lakers ng 98-95 kalamangan at nalampasan ang apat na mintis nilang free throws sa huling 16.8 segundo.