MANILA, Philippines - Kumayod nang husto ang Cebuana Lhuillier sa huling yugto tungo sa 77-73 panalo sa Jose Rizal University at angkinin ang huling puwesto sa quarterfinals sa PBA D-League Aspirants’ Cup kahapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.
Si James Martinez ay mayroong 16 puntos, at siyam ang ginawa niya sa huling 10 minuto ng bakba-kan pero nakatulong din ang ibang kakampi tulad nina Gabriel Banal at Rex Leynes para wakasan ang eliminasyon taglay ang 5-5 baraha.
Sina Banal at Leynes ay nagsanib sa apat na sunod na puntos matapos hawakan ng Bombers ang 58-56 kalamangan upang tuluyang magdomina sa laro.
“Naiwanan kami pero hindi bumigay ang mga bata. Naipakita nila ang kanilang character at malaÂking bagay ito papasok sa quarterfinals,†wika ni Gems coach Beaujing Acot na naunang nabaon ng 10 puntos, 45-55, sa kaagahan ng huling yugto.
Nagwakas naman ang apat na sunod na panalo ng JRU upang makasama ang Gems at pahingang Fruitas sa pagkakasalo mula ikalima hanggang ikapitong puwesto.
Pero ang Shakers ang may pinakamababang quotient para mamaalam na.
Ang pagkatalo rin ng JRU ang nagbigay daan para makuha ng pahiÂngang Big Chill ang twice-to-beat advantage sa quarterfinals kalaro ang tropa ni coach Vergel Meneses.
Makakasukatan ng Gems ang Cagayan Valley na kailangan nilang tÂalunin ng dalawang sunod.
Nanaig ang Blackwater Sports sa Erase Xfoliant, 82-76, para wakasan ang kampanya sa 8-2 karta at itulak sa 2-8 ang Erasers.
Ang Elite at NLEX ay nasa semifinals na.