IBA, ZAMBALES, Philippines--PiniÂgil nina hometown bets Melvin Jakaran at Lloyd Trinidad ang dominasyon ng Rizal Technological University (RTU) sa PLDT-ABAP National Capital Region-Luzon Area tournament finals matapos ang kanilang mga panalo dito sa Capitol Grounds.
Tinalo ni Jakaran si Jovan Krist Solmoro sa 56 kg youth boys bantamweight division mula sa kanyang 8-7 tagumpay.
Umiskor naman si TriÂnidad ng isang Referee Stopped Contest win laban kay Alkhuzeem Abdul Aziz ng Kabaka sa opening round ng kanilang 60 kg. youth boys lightweight match.
Isang solidong right straight ang ibinigay ng 18-anyos na pambato ng Zambales na si Trinidad na nagpabagsak kay Abdul Jaziz, ang ama ay isang Saudi Arabian.
Bagamat nakatayo si Abdul Aziz, isang fourth-year high school student sa Mapua at ginagabayan ni dating Asian Games gold medalist Joan Tipon, itinigil naman ng referee ang laÂban sa 1:26.
Tatlong gold medal naman ang inangkin ng RTU, kasama dito ang isa sa 46- kg youth boys pinweight ni Mark Alex Brin.
Pamangkin ni three-time Olympian Romeo Brin, tinalo ni Brin si Richard Agora ng Tayabas, 17-10.
Ang iba pang gold meÂdalists ay sina Fernel Gaspi ng Sorsogon, Jessie Diaz ng Tayabas, Ryan Torres ng San Fernando City at Jess Ganayan ng Iba.