Shakey’s volley T-of-C papalo ngayon sa NAS

MANILA, Philippines - Makikilatis ang husay ng bisitang Victoria team mula Australia sa pagharap sa Southwestern University (Central Visayas) sa pagbubukas ng Shakey’s Girls Volleyball Tournament-of-Champions sa Ninoy Aquino Stadium.

Mapapanood ang la­rong ito sa alas-4 ng hapon at isa sa limang laro na magtataas sa paligang nilahukan ng 10 koponan at magtatagal ng anim na araw.

Kasama sa maghaha­nap ng panalo ay ang nagdedepensang kampeon na Hope Christian High School (NCR-West)  laban sa Davao City National High School (Mindanao) dakong alas-5 ng hapon.

Ang unang laro sa ganap na ala-1 ay sa pagtian ng Central Philippine University (Western Visayas) at St. Louis University (Northern Luzon) na susundan ng Colegio de San Agustin (NCR-South) at Angeles University Foundation /Holy Angel University (Central Luzon) dakong 2pm at De La Salle-Lipa (Southern Luzon) laban sa AUF/HAU sa alas-6 ng gabi.

Show comments