MANILA, Philippines - Masolo ang liderato ang hanap ng Westports KL Dragons habang buÂmangon mula sa unang kaÂbiguan ang nais ng nagdedepensang Indonesia Warriors sa pagpapatuloy ng 4th ASEAN Basketball League (ABL) ngayong Biyernes at Sabado.
Unang sasalang ang Dragons laban sa dating champion Chang Thailand Slammers ngayong gabi sa Nimibutr Stadium, Bangkok, Thailand.
Sasandalan ng tropa ni Filipino mentor Ariel Vanguardia ang 80-70 panalo na naiposte sa Saigon Heat noong Enero 12 sa Tan Binh Stadium, Vietnam upang makopo ang ikalawang sunod na panalo sa kanilang pangalawang away game.
Ang Dragons na may ipinagmamalaking Cedric Bozeman at Gavin Edwards bilang mga imports ay kasalo sa liderato ng pahingang San Miguel Beermen at Singapore Slingers sa anim na koponang liga.
Away game naman ang lalaruin ng Warriors na noong Enero 11 ay piÂnaÂÂdala ng Beermen, 53-64, sa Mahaka Square sa Indonesia.
Bibisitahin ng Warriors ang lungga ng Heat sa Vietnam bukas para makatikim ng unang panalo sa liga.
Mapapalaban uli ang Warriors dahil ang Heat ay galing sa panalo sa Slammers, 77-75, sa Thailand noong Miyerkules.
Ang Beermen ay babalik sa laro sa Enero 26 laban sa Heat sa Vietnam habang ang Slingers ay susukatin ang Slammers sa Enero 25.