MELBOURNE, Australia--Umabante si Maria Sharapova sa third round ng Australian Open na hindi natatalo ng isang laro, habang dumiretso sa kanyang 11 sunod na panalo si No. 4 Agnieszka Radwanska.
Umiskor ang No. 2-ranked na si Sharapova, natalo sa finals ng torneo noong nakaraang taon, ng isang 6-0, 6-0 panalo laban kay Misaki Doi sa loob ng 47 minuto.
Hindi nakakaramdam ng anumang sakit ang French Open champion sa kanyang kanang collarÂbone injury na nagpaupo sa kanya sa warmup tournament sa Brisbane.
Pinayukod ni Sharapova ang kanyang kapwa Russian na si Olga Puchkova 6-0, 6-0, sa first round.
Nakapasok din sa third round si Radwanska nang magtala ng 6-3, 6-3 panalo laban kay Romanian bet Irina-Camelia Begu at hindi pa natatalo ngayong taon.
“I can play even better,†sabi ni Radwanska, natalo sa finals ng Wimbledon kontra kay Serena Williams. “I didn’t really expect I could win that many matÂches in a row, and hopefully I can keep going.â€
Ang kanyang dalawang laro sa Australian Open ay natapos sa kanyang kabiguan sa quarterÂfinal round kontra sa nagreynang si Kim Clijsters noong 2011 at kay Victoria Azarenka noong 2012.