Nang magbitiw bilang head coach ng Barako Bull si Edmundo “Junel’ Baculi ay alam na ng karamihan na it’s only a matter of time bago siya mapunta sa ko-ponang talagang hahawakan niya.
Kasi nama’y nang mabili ng Globalport ang prangkisa ng Coca-Cola (Powerade Tigers), si Baculi ay siyang frontrunner para humawak dito. Iyon ay nang tanggihan ni Dolreoich ‘Bo’ Perasol ang pusisyon bilang head coach ng Batang Pier.
Kasi, nauna nang tinanggap ni Perasol ang alok sa kanya na humalili kay Norman Black bilang coach ng Ateneo Blue Eagles sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP). Kung hindi tinanggap ni Perasol iyon, aba’y siya pa rin naman ang magiging coach ng Globalport.
Hindi naman kasi basta-basta babaguhin ng team owner na si Mikee Romero ang sistema ng isang winnng team. Hindi ba’t naihatid ni Perasol ang Powerade sa Philippine Cup Finals noong nakaraang season. So, bakit pa magpapalit ng coch?
Kasi nga’y hindi available si Perasol. At hindi rin available si Baculi na may commitment sa Barako Bull.
So, ang next best thing ay kunin ni Romero si Glenn Capacio na siyang head coach ng kanyang Air Asia Philippine Patriots sa ASEAN Basketball League. Tiwala siya sa kakayahan ni Capacio at matagal na niya itong kasama. Kahit noon pang nasa Philippine Basketball League ay si Capacio na ang coach ng Oracle na dating Harbour Centre.
Pero naging available na nga si Baculi at tila hilaw pa si Capacio para sa PBA. So, hayun, lumipat si Baculi sa Globalport.
At hindi na iyon ikinagulat ng karamihan.
Kasi, si Baculi ay team consultant ng Harbour Centre. Head coach din siya ng national team, na noon ay sinusuportahan ni Romero. Matagal at mahaba na rin ang naging pagsasama nina Baculi at Romero at successful naman ang tandem na ito.
So, together again sina Baculi at Romero umpisa sa PBA Commissioners Cup na magbubukas sa susunod na buwan.
Kaya naman upbeat ang Batang Pier.
Oo’t 1-13 ang naging mapait na record ng GloÂbalport sa Philippine Cup. Iisa ang naipanalo nito at ito’y laban sa Meralco Bolts na dapat sana’y nagwagi kungdi nalooban ang dugout ng Bolts sa Mall of Asia Arena. Nawalan ng concentration sina coach Paul Ryan Gregorio kaya nawala ang malaking abante nila sa first half at natalo sila.
Mabuti at hindi napanÂtayan ng Globalport ang record ng Shopinas.com na 0-14. Iyon na lang maÂrahil ang ipinagpapasaÂlamat ng Batang Pier.
Pero sa iallim ni BaÂculi, hindi na talaga mauulit ang masagwang record na iyon.
Babawi’t babawi ang Globalport.
At maaga pa lang ay nagsimula na sila sa paghahanda dahil pinaraÂting na nila ang import na si Justin Williams, isang 6-10, 260 point power forward buhat sa University of Wyoming. Mamaya ay magsisimula na siyang makipag-ensayo sa Batang Pier.
No other way to go naman ang Globalport at si Baculi. Tiyak na aasenso sila buhat sa 1-13.