Ateneo kontra La Salle sa UAAP volley

MANILA, Philippines -  Masusukat ang husay ng Ateneo sa pagharap sa nag­dedepensang La Salle sa UAAP women’s volleyball ngayon sa The Arena sa San Juan City.

Itataya ng Lady Eagles ang malinis na 6-0 karta la­­ban sa Green Archers (5-1) sa ka­nilang tampok na laro na magsisimula sa alas-3:30 ng hapon.

Ang pagwalis sa first round ang gustong maku­ha ng Ate­neo at kakaila­nga­­nin na la­mang nila na ma­­­dupli­ka ang kanilang re­cord sa se­cond round pa­­ra du­miretso sa UAAP Finals.

May isang talo naman ang La Salle sa anim na la­­ro pero nangyari ito sa ka­­nilang unang laro laban sa UST (4-2).

Nakabangon na ang tro­pa ni coach Ramil de Je­sus sa pangyayaring ito sa kinuhang limang dikit na pa­nalo na tinapos laban sa UP (1-5) sa pamamagitan ng straight sets.

Tatangkain naman ng host National University (3-3) na mailista ang ikaapat na pa­nalo sa kanilang pakiki­pag­tuos sa UP sa unang la­ro sa alas-2 ng ha­pon.

Show comments