NOLCOM fun run sa Enero 19 sa Tarlac

MANILA, Philippines - Inaanyayahan ang mga miyembro ng mga running clubs, sports buff at mga kabataan na lumahok sa idaraos na 1st NOLCOM (Northern Luzon Command) fun run sa Ene­ro 19 sa NOLCOM grounds sa Camp Aquino, San Mi­guel, Tarlac City.

Ayon sa organizers, itatampok ang mga events na 3K, 5K at 7K sa fund-rai­sing event na hangad na ma­kalikom ng pondo para suportahan ang programa pa­ra sa mga pasyente ng Camp Aquino Hos­pital sa naturang la­lawigan.

Bukod dito, may Zumba exercise para sa mga ka­lahok gayundin ang side event na drums and bugle com­petitions.

Para sa karagdagang detalye, makipag­-ugnayan ki­na Second Lieutenant Estrada (0922-8028481) at Se­cond Lieutenant Correa (0917-6973541).

Show comments