Texters nakauna sa Painters sa serye inangkin ang 1-0 kalamangan sa finals
MANILA, Philippines - Hindi bumigay hanggang sa huli, inangkin ng Tropang Texters ang 1-0 abante sa kanilang best-of-seven championship series ng Elasto Painters.
Tinalo ng nagdedepensang Talk ‘N Text ang karibal na Rain or Shine, 87-81, sa Game One ng 2012-2013 PBA Philippine Cup Finals sa harap ng 14,065 manonood kagabi sa Smart Araneta ColiÂseÂum.
Hindi naging maÂdali paÂra sa Tropang TexÂters ang pagsikwat sa panalo.
Mula sa isang 18-point deficit sa second period ay hindi kaagad sumuko ang Elasto Painters nang maÂkalapit sa 73-79 sa 4:28 ng final canto.
Huling nakadikit ang Rain or Shine sa 79-84 sa 1:05 ng labanan kasunod ang dalawang freethrows ni Jimmy Alapag at split ni JayÂson Castro para sa 87-81 bentahe ng Talk ‘N Text sa huling 16.5 segundo.
Nauna dito, itinayo ng TroÂpang Texters ang 15-5 abante sa bago tabunan ang Elasto Painters mula sa isang 33-15 abante.
Talk ‘N Text 87 – Castro 16, R. de Ocampo 16, DillinÂger 13, Fonacier 9, Alapag 9, Peek 8, Williams 6, Raymundo 3, Reyes 3, Alvarez 2, Carey 2, Gamalinda 0, Aban 0, Ferriols 0.
Rain or Shine 81 – Cruz 13, Lee 11, Chan 10, Norwood 8, Rodriguez 8, Quiñahan 8, Tiu 5, Belga 5, Ibanes 4, Matias 3, Araña 3, Tang 3.
Quarterscores: 24-15; 51-39; 71-58; 87-81.
- Latest