SMBeermen sa PSA Forum ngayon

MANILA, Philippines - Ang San Miguel Beermen ang magiging unang pa­nauhin sa PSA Forum pa­ra ngayong 2013.

Ilalahad ng Beermen ang kanilang darating na kam­panya sa pang-apat na sea­son ng Asean Basketball League (ABL) ngayong alas-10:30 ng umaga sa Sha­key’s Malate.

Pamumunuan ni head coach Leo Austria ang Beer­men kasama sina da­ting PBA MVPs Asi Taula­va at Eric Menk at SMC sports director Noli Eala sa nasabing sesyon na ini­hahandog ng Philippine Amusements and Gaming Cor­poration (PAGCOR) at Sha­key’s. 

Sinabi ni Eala na bibi­sita din ang mga opisyales ng Fox Philippines sa public sports program para ihayag ang kanilang television part­nership ng San Miguel team para sa 2013 ABL sea­son.

 

Show comments