Donaire maghahanap ng ibang kalaban

MANILA, Philippines - Posibleng walang sinuman kina Abner Mares ng Mexico at Guillermo Ri­gondeaux ng Cuba ang ma­kakalaban ni unified world super bantamweight champion Nonito ‘The Filipino Flash’ Donaire, Jr.

Ito, ayon kay Donaire, ay dahil sa ilang bagay na may epekto sa pagtatakda ng kanyang laban sa buwan ng Marso o Abril.

Si Mares ay nasa kam­­po ng Golden Boy Pro­­motions ni Oscar Dela Ho­­ya na karibal ng Top Rank Promotions ni Bob Arum, habang nakatakda na­­mang umakyat ng bo­xing ring si Rigiondeaux sa Peb­rero.

“We have Mares; that’s the fight we really want to make, but it’s getting difficult,” sabi ng 30-anyos na si Do­naire (31-1-0, 20 KOs), ang World Boxing Orga­ni­zation at International Bo­xing Federation super ban­tamweight ruler, sa ne­go­sasyon sa kampo ng 24-anyos na si Mares (25-0-1, 13 KOs) na naghahari sa World Boxing Council. 

Sa pagkakaroon naman ng laban ng 32-anyos na si Rigondeaux, ang kam­peon sa World Bo­xing Association, sa Peb­rero ang magpapalabo sa ka­nilang paghaharap ni Do­naire.

“With Rigondeaux, he won’t fight until June or July or something like that,” ani Donaire sa Cuban two-time Olympic Games gold me­da­list.

 

Show comments