Para sa PBA Philippine Cup championship series: Painters dehado sa Texters
MANILA, Philippines - Ang nagdedepensang Talk ‘N Text ay isang ofÂfenÂsive team na kayang-kaÂyang maglaro ng depenÂsa, habang ang Rain or Shine ay isang defensive squad na mabigat din ang opensa.
Ayon kay Tropang TexÂters head coach Norman Black, magkaiba sila ng klase ng paglalaro ng ElasÂto Painters ni mentor Yeng Guiao.
“We’re the No. 1 offensive team in the league and they’re probably the best defensive team. They’re good in offensive rebounds but we don’t give much. They’re good in stealing the basketball but we don’t commit much error either,†sabi ni Black kahapon sa kaÂnilang press conference sa Gateway Suites sa Araneta Center para sa 2012-2013 PBA Philippine Cup best-of-seven championship series na magsisimula buÂkas sa Smart Araneta Coliseum.
Ganito rin ang pahayag ni Guiao.
“Talk ‘N Text is a great ofÂfensive team that can play defense. And I feel our team is a great defensive team that can play offense,†ani Guiao. “So it’s really an inÂteresting match up.â€
Tinalo ng Tropang TexÂters ang Alaska Aces, 4-2, sa kanilang best-of-seven seÂmifinals series, samanÂtaÂlang sinibak ng Elasto PainÂters ang San Mig Coffee Mixers, 4-2, para itakda ang kanilang titular showdown.
Ito ang pang anim na finals appearance ng Talk ‘N Text sa huling walong conferences at nasa kanilang ikaÂlawang sunod na finals stint naman ang Rain or Shine sapul nang magÂkamÂpeon sa 2012 PBA GoÂvernors Cup.
Nagkaharap na sa isang championship series siÂna Black at Guiao.
Ito ay nang igiya ni Black ang San Miguel Beer sa 4-1 paggupo sa Swift ni Guiao para sa korona ng 1993 PBA GoÂvernors Cup.
Sa kanilang pangalawang pagtatagpo sa PBA FiÂnals, sinabi ni Guiao na unÂderdog ang kanyang Elasto Painters laban sa TroÂpang Texters ni Black.
“We knew we’re the unÂderdogs against Ginebra (sa quarterfinals) and we know we’re not favored against San Mig Coffee (sa semifinals). Much more we’re the underdogs against Talk ‘N Text but we like that,†sabi ni Guiao, asam ang kanyang kauna-unaÂhang All-Filipino Cup title matapos magwagi ng anim na korona sa mga import-flavored conferences.
Ikinasuya naman ni Black ang pagturing ni Guiao sa kanyang Rain or Shine bilang underdog sa kaÂnilang serÂye.
“Who decides that on who are the underdogs? If we’re the favorites, so be it. We still have to beat them,†saÂgot ni Black kay Guiao.
Bukod kina Black at Guiao, dumalo din sa press conÂference sina Ranidel De Ocampo, Jared DilÂlinger, Ali Peek at Harvey CaÂrey ng Talk ‘N Text at siÂna Chris Tiu, Jeff Chan, Paul Lee, Gabe Norwood at Beau Belga ng Rain or Shine.
- Latest