^

PSN Palaro

Asian Triathlon C’ships ibinigay uli sa TRAP

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Magiging sentro uli ng Asian triathlon ang Pilipinas matapos ibigay sa Triathlon Association of the Philippines (TRAP) ang hosting uli ng Asian Triathlon Championships.

Sa Abril 27 hanggang 30 gagawin ang nasabing tor­neo at ito ay makikilala bilang K-SWISS Subic Bay Asian Triathlon Confederation (ASTC) ATC.

“Kami ay nagpapasalamat sa ASTC dahil sa tiwalang ibinibigay nila sa bansa  na isagawa uli ang Asian Triathlon Championships sa Subic Bay,” wika ni TRAP president at POC chairman Tom Carrasco Jr.

Ang bansa ang tumayo bilang punong-abala ng torneo noong 1997 (6th) at 2004 (13th) edisyon.

Makasaysayan ang edisyong ito dahil sa unang pagkakataon ay isasama sa paglalabanang events ay ang Paratriathlon.

“Isa sa mga itutulak ng International Triathlon Union (ITU) ang  mapalaki ang bilang ng mga sumasali sa Paratriathlon at ikinagagalak ng TRAP na sa Pilipinas isagawa ang kauna-unahang Paratriathlon sa Asian  Championships,” dagdag ni Carrasco.

Ang unang araw (Abril 27) ay bukas para sa U-23, Elite Juniors, Mini sprint at Age Group sprint at sa susunod na araw ay ang tagisan ng mga Male at Female Elite, Inter-Club at Age Group sa standard distance. Ang huling araw sa Abril 29 ay para sa Asian Mixed Team Relay at Paratriathlon.

Ang   tambalan ng   TRAP at Subic Bay sa proyektong ito ay  ikalawa sa tatlong pagsasamahan nila sa 2013.

Una rito ay ang gagawing 1st leg ng National Age Group Triathlon Series sa  Pebrero 1 at ang huli ay ang Asian Duathlon Championship sa Nobyembre.

Hindi bababa sa 15 bansa ang sasali sa Asian Championships at makakatulong din ng TRAP ang SPEEDO, David’s Salon, Asian Centre for Insulation Philippines, Gatorade, Fitness First at Philippine Sports Commission (PSC).

ABRIL

AGE GROUP

ASIAN

ASIAN CENTRE

ASIAN CHAMPIONSHIPS

ASIAN DUATHLON CHAMPIONSHIP

ASIAN TRIATHLON CHAMPIONSHIPS

PARATRIATHLON

SUBIC BAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
14 hours ago
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with