Junior netters magpapasiklaban sa Andrada Cup

MANILA, Philippines - Handa ng magpasiklaban ang mga pambatong junior netters ng bansa sa paglarga ng 24th Andrada Cup junior tennis tournament sa Enero 2 sa Rizal Memorial Tennis Center.

Ang pagpapatala ay natapos noong Linggo at sa araw na ito gagawin ang draw sa ganap na ika-12 ng tanghali.

Ang mga naglaban sa PSC-Philta Age Group Championship ang siyang inaasahang magpapang-abot uli sa torneong inorganisa ng Philippine Tennis Association (Philta) at inialay sa dating pangulo at ngayon ay Philippine Sports Commission (PSC) Commissioner Salvador Andrada.

Ang mga naging kam­peon sa PSC-Philta Championship ay pinangungunahan nina Roxanne Resma at John Maverick Victoria na dinomina ang 18-under division.

Tinalo ni Resma si Ma. Dominique Ong habang si Betto Orendain ang ginulat ng unseeded na si Victoria.

Limang araw gagawin ang kompetisyon na isang Group I at ang mga lalabas na kampeon ay aani rin ng Philta points na kanilang magagamit para mapaganda ang kasalukuyang rankings.

Show comments