5-gold kay Villamil

MANILA, Philippines - Lumangoy sa limang ginto si Ma. Angela Paula Villamil upang masama sa mga nakapagpasikat sa idinaos na 1st Rep. Omar Ebdane Swimming Championship sa Sports Center swimming pool sa Iba, Zambales kahapon.

Ang 12-anyos na si Vil­lamil ay nagkampeon sa 100m free (1:09.71), 50m butterfly (34.01), 50m breast (42.66), 50m free (31.68) at 50m back (35.68) upang masama sa mga naging multi-titled swimmers.

Si Elijah de Vera ay na­nalo rin ng limang ginto nang dominahin ng 11-an­yos na swimmer ang 100m free (1:08.24), 50m butterfly (33.65), 50m breast (43.27), 50m free (31.32) at 50m back (37.48).

Umabot sa 200 swimmers mula sa 20 teams ang lumahok sa 36th leg ng PSL Swim Series sa taong 2012.

Si Rep. Edbane ang siyang nag-imbita sa PSL na tinutulungan ni dating Senador Nikki Coseteng para makilala rin ang nasasakupan sa pagdaraos ng  swimming event.

Lahat naman na sumali ay natuwa sa pagsalubong ng host ayon kay PSL pre­sident Susan Papa.

Ang R3 Aquaspeed Swim Team mula Caloocan ang lumabas na team champion sa open division habang ang Zambales Swim Team ang kampeon sa novice class.

Show comments