MANILA, Philippines - Pakakawalan ang Takbo para kay Sta Teresa de Avila, isang fun run para sa pagdiriwang ng pang limang sentenaryo ng unang babaeng Doctor of Church, sa Pebrero 3, 2013 sa Quezon City at sa San Pablo City.
Ang event, magtatampok sa 3K at 5K runs, ay may temang “Takbo Mo, Dasal Ko” kung saan maaaring magsumite ang mga partisipante ng kahilingan para ipanalangin ng mga Carmelite nuns.
Itinataguyod ng P&G katuwang ang Safeguard bilang presentor, ang fun run ay susundan ng isang Holy Mass sa alas-6 ng umaga sa Our Lady of the Mt. Carmel Shrine Parish sa New Manila sa QC at sa Liceo de San Pablo sa Laguna.
Para sa mga magpapatala, maaaring tumawag kina Thelma Antonio sa 09178530904, Rose Rivera at 09336088580 o Tess Soliman at (02) 9048758 at bisitahin ang Facebook account--Takbo para kay Sta Teresa de Avila 2013.
Ang malilikom na pondo ay gagamitin para sa Foundation for Carmelite Scholastics ng student-friars at ng Care Fund para sa matatandang kaparian ng Order of Discalced Carmelites.
Ito ay inorganisa ng National Commission for the Celebration of the Fifth Birth Centenary of Sta Teresa de Avila (Order of Discalced Carmelites) sa pamumuno ni Rev. Fr. Dan Fauste, OCD, bilang chairman.