^

PSN Palaro

E-book ng Pinay bodybuilder inilunsad na

Robbie M. Pangilinan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Inilunsad ang soft launch ng e-book ng Pinay na bodybuilder na si Gemmalyn Crosby at nangako siyang babalik sa susunod na taon upang iimprenta ang The Gemmalyn Crosby’s Bikini Body Diet sa pag-asang makatulong sa mga kapwa Pilipino na maging mas ma­lusog.

Si Crosby, isang propesyunal na atleta sa International Federation of Body Building and Fitness (IFBB), ay umuwi sa Pilipinas upang ilabas ang kanyang e-book sa isang press conference na ginanap sa Kamayan Restaurant, Padre Faura, Manila kamakalawa.

Ang mga panauhing pandangal sa paglulunsad ay ang mga rap artist na sina Slykane at Amir Agassi, Valenzuela City Councilor at TV host na si Kate Coseteng, ang Marketing Head ng Calayan Surgicentre na si Lalen Calayan, at ang mang-aawit na si Selina Sevilla.

Nagbahagi din si Gemma, isang sertipikadong per­sonal trainer at award-winning fitness phenomenon na kamakailan lamang ay nanguna sa Arnold Schwarze­negger Classic Amateur International Bikini Class B Championship, ng kanyang mga karanasan at kaalaman bilang propesyunal na atleta.

Ang opisyal na paglulunsad ng website ni Gemmalyn, kung saan makakapag-download ng kopya ng kanyang e-book at makakasali sa kanyang personal na training support forum ay sa Enero 1, 2013.

Magagamit na ang kanyang 1-on-1 Group Training Bikini Body Challenges sa unang bahagi ng taong 2013 sa mga piling lokasyon. Sa Mayo 2013, iimprenta sa Pilipinas ang libro ni Gemma at inaasahang ang National Bookstore ang magiging publisher nito.

 

AMIR AGASSI

ARNOLD SCHWARZE

BIKINI BODY DIET

CALAYAN SURGICENTRE

CLASSIC AMATEUR INTERNATIONAL BIKINI CLASS B CHAMPIONSHIP

GEMMALYN CROSBY

GROUP TRAINING BIKINI BODY CHALLENGES

INTERNATIONAL FEDERATION OF BODY BUILDING AND FITNESS

KAMAYAN RESTAURANT

KATE COSETENG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with