75th UAAP women’s volleyball las: Salle, Adamson netters sa 3-way tie

MANILA, Philippines - Hindi nawala ang tikas ng laro ng nagdedepen­sang La Salle upang tuhugin ang ikalawang su­nod na panalo sa 75th UAAP wo­men’s volleyball ka­ha­pon sa The Arena sa San Juan City.

Nangailangan lamang ang Lady Archers ng isang oras at 12 minuto para tudlain ang FEU Lady Tama­raws sa pamamagitan ng 25-19, 25-16, 25-16, straight sets panalo para masundan ang straight sets ding tagumpay na hu­ling inangkin sa Adamson.

Bunga ng panalo,  nakasalo ngayon ang La Salle sa pahingang National University at Adamson na nanaig sa UP sa unang laro.

Hindi binigyan ng pagkakataon ng Lady Falcons na makaporma ang Lady Maroons nang dominahin ang spike (41-24), blocks (7-0) at serve (7-2) tungo sa 25-12, 25-19, 25-13, panalo sa labang umabot lamang ng 65 minuto.

Si Shiela Marie Pineda ay mayroong 16 puntos, na kinatampukan ng 15 kills, ha­bang tig-11 puntos ang naibigay nina Ma. Paulina at Luisa Zapanta.

Bagsak sa ikalawang dikit na pagkatalo ang Lady Maroons para masaluhan ang UST at FEU sa ikalima hanggang ikapitong puwesto.

Samantala, tig-isang goal ang ginawa nina Anne Therese Martin at Cecilia Dayrit para tulungan ang Ate­neo sa 2-0 panalo laban sa karibal na La Salle sa 75th UAAP women’s football sa Ocampo field sa Ateneo campus.

 Ito ang ikalawang pa­nalo ng Ateneo bukod pa sa isang draw para pangu­nahan ang liga bitbit ang pitong puntos.

Dinurog din ng UST ang UP, 3-0.

 

Show comments