^

PSN Palaro

Challenge Cup 2014 paghahandaan ng Azkals

Olmin Leyba - Pilipino Star Ngayon

SINGAPORE--Para sa Philippine Az­kals, ang pagkampanya sa 2015 AFC Asian Cup ay magsisimula sa Manila sa kanilang pagsabak sa qualifying tournament sa 2014 AFC Challenge Cup.

Makakasama ng Azkals sa qualfiying event ang Turkmenistan, Cambodia at Brunei sa Group E sa hangaring makasikwat ng tiket patungo sa final round ng Challenge Cup sa Maldives sa 2014.

Ang bawat mananalo sa limang grupo  at ang dalawang best second-placers sa qualification phase ang maglalaro sa naturang torneo sa Marso 8-23, 2014 sa Mal­dives.

Ang magkakampeon sa 2014 Challenge Cup ang makakakuha ng puwesto para sa Asian Cup kasama ang Asian champion Japan, 2011 third placer South Korea, 2011 runner-up at host Australia at ang 2012 Challenge Cup titlist North Korea.

Ang Challenge Cup qualifiers na ina­asahang gagawin sa Rizal Memorial Football Stadium ay nakatakda sa Marso 2-6, 2013 kung saan ang Turkmenistan ang makakasagupa ng Azkals.

ANG CHALLENGE CUP

ASIAN CUP

AZKALS

CHALLENGE CUP

CUP

GROUP E

MARSO

NORTH KOREA

PHILIPPINE AZ

RIZAL MEMORIAL FOOTBALL STADIUM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with