75TH UAAP Women’s Volley Adamson, UP tossers makikisosyo

MANILA, Philippines - Balak sumalo sa lide-rato ang Adamson at University of the Philippines sa pagharap sa hiwalay na laro sa pagbabalik laro ng 75th UAAP women’s volleyball ngayon sa The Arena sa San Juan City.

Mapapalaban ang Lady Falcons sa nagdedepensang La Salle sa tampok na laro dakong alas-3:30 ng hapon.

Unang sultada ay sa pagitan ng Lady Maroons at 29-time champions FEU sa alas-2 ng hapon.

Galing ang UP mula sa 25-18, 25-15, 18-25, 25-27,15-6, panalo sa UE upang tapusin ang 16-game losing streak.

Kung magpapatuloy ang matikas na panimula ng State University ay ma­la­­laman dahil ang Lady Ta­maraws ay magnanais na bumangon mula sa pagkatalo sa kamay ng Ateneo na siyang nangunguna sa liga sa 2-0 baraha.

 

Show comments