^

PSN Palaro

Bautista, Bornea susuntok sa quarters; Marcial sibak na

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagpatuloy ang mahu-say na porma nina Ian Clark Bautista at Jade Bornea para makausad  na sa quarterfinals sa idinadaos na 2012 AIBA World Youth Boxing Championships sa Karen Demirchyan Sports and Concerts Complex sa Yerevan, Armenia.

Unang umani ang tubong Binalbagan, Negros Occidental na si Bautista ng 17-7 panalo laban kay Khakimjon Ubaydullaev ng Uzbekistan bago isinunod ang Koreanong si Ham Sang-myeong, 20-12,  para lumapit sa isa pang panalo upang makatiyak ng medalya sa flyweight division.

Mas napaboran si Ham dahil siya ay bronze meda-list sa 2011 World Junior Championships sa Astana, Kazakhstan pero wala siyang naisagot sa mga magagandang patama at matibay na depensa ni Bautista.

Matapos ang dalawang rounds ay hawak na ni Bautista ang 14-8 panalo bago tinapos ang ikatlong round sa 6-4 iskor.

Nasundan naman ng tubong South Cotabato na si Bornea ang 19-6 panalo kay Dimitrys Zaharovs ng Latvia sa unang laban sa mas kumbinsidong 19-10 tagumpay laban kay Tinko Banabakov ng Bulgaria.

Ito lamang ang unang international tournament ng 17-anyos na si Bornea na kumakampanya sa light flyweight division at mala­king panalo ito dahil si Banabakov ay mas beterano sa kanya.

Hindi naman sinuwerte ang 2011 World champion na si Felix Eumir Marcial nang lasapin ang masakit na 7-11 pagkatalo kay Slovakian national champion at European Olympic qualifying veteran Michal Zatorsky sa lightweight division.

Si Marcial ang ikalawa sa apat na boksingero ng ABAP na nasibak.

vuukle comment

BAUTISTA

BORNEA

DIMITRYS ZAHAROVS

EUROPEAN OLYMPIC

FELIX EUMIR MARCIAL

HAM SANG

IAN CLARK BAUTISTA

JADE BORNEA

KAREN DEMIRCHYAN SPORTS AND CONCERTS COMPLEX

KHAKIMJON UBAYDULLAEV

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with