^

PSN Palaro

Tabora out na sa World Cup kegfest

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi na naiangat pa ni Krizziah Tabora ang ipinakikitang laro sa 48th Qubica/AMF Bowling World Cup international finals para mamaalam na sa torneong nilalaro sa SkyBow­ling Center sa Wroclaw, Poland.

Nagtala si Tabora ng 2911 pinfalls matapos ang 28-game para sa 211.64 average.

Walong games ang hi­narap ng 24 lady bow­lers na umusad mula sa qualifying round pero ang marka ni Tabora ay sapat lang para malagay siya sa ika-14th spot sa pangkalahatan.

Ang walong bowlers matapos ang walong laro ang umabante sa quarters.

Bago si Tabora ay na­ma­alam na ang dating Busan Asiad gold medalist RJ Bautista  nang nalagay lamang sa ika-31st puwesto katabla si Mohammed H. Alnajrani ng Saudi Arabia.

Ang Singaporean bow­ler na si Shayna Ng ang si­yang nasa unahan sa naitalang 6491 matapos ang 28-games para sa mainit na 231.82 average habang nakasunod sina Kristen Penny ng England at two-time champion Aumi Guerra ng Dominican Republic sa 6463 at 6442.

Ang nalalabing bowlers ay magtatagisan sa isa pang eight-game round robin series na may kaakibat na bonus points upang malaman ang tatlong bowlers na maglalaban-laban sa semifinals at finals.

 

ANG SINGAPOREAN

AUMI GUERRA

BOWLING WORLD CUP

BUSAN ASIAD

DOMINICAN REPUBLIC

KRISTEN PENNY

KRIZZIAH TABORA

MOHAMMED H

SAUDI ARABIA

TABORA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with