Azkals puntirya ang Asian Cup
BANGKOK --Sinabi ni Azkals coach Michael Weiss na dapat mapanatili ng Pilipinas ang pag-taas ng estado nito matapos ang kasalukuyang 2012 AFF Suzuki Cup at puntiryahin ang bigating Asian Cup sa susunod na dalawang taon.
“We’re not yet at that stage where we can dominate an opponent. That should be the target for 2013 and 2014, in order to win the (AFC) Challenge Cup and go to the Asian Cup,” wika ng German mentor.
Ang Challenge Cup ay nagsisilbing qualifying para sa 2015 Asian Cup, kung saan maglalaro ang Asian champion na Japan, South Korea, Australia at 2012 Challenge Cup titlist North Korea.
Idaraos ng Challenge Cup ang kanilang qualification phase sa susunod na taon bilang main competition sa 2014.
Naghayag na ang Philippine Football Federation ng intensyon na pamahalaan ang Challenge Cup.
“It still requires a lot of work. We need additional players, quality players. We need to focus on young ones in Phl. We need to build two national teams of locally-based players already, plus top players, especially center defenders. This is the procedure we’re in now,” ani Weiss.
Matatapos ang kontrata ng German mentor ngayong taon.
Sinabi ni team manager Dan Palami na may inisyal na silang usapan ni Weiss para sa panibagong kontrata sa Azkals.
Gumawa ng eksena ang Azkals rnang makapasok sa semifinal round ng 2010 edition ng Challenge Cup kasunod ang pagsikwat nila sa bronze medal sa 2012 Challenge Cup.
- Latest