Viloria gigil na kay Marquez

MANILA, Philippines - Sinabi ni WBO flyweight champion Brian Viloria, magdiriwang ng kanyang pang-32nd kaarawan sa susunod na dalawang linggo, na nagsasanay siya para maging pinakamahusay na boksingero.

 Sa kanyang 20-minute phone-patch interview sa Solar Sports, idiniin ni Viloria ang kahalagahan ng kanyang darating na laban.

 “There’s nothing for me if I don’t win this fight,” sabi ni Viloria mula sa kanyang training quarters sa Los Angeles, isang linggo bago niya labanan si Mexican Hernan “Tyson” Marquez.

 “Every fight is dangerous and anything can happen,” dagdag pa ng tinaguriang “The Hawaiian Punch” na muntik nang magretiro matapos matalo kay Carlos Tamara ng Panama noong 2010.

 Matapos ang naturang kabiguan ay nagtala si Viloria ng limang sunod na panalo.

 Umiskor ng malalaking panalo ang 5-foot-4 na si Viloria, magiging 32-anyos sa Nobyembre 24, kontra kina Giovani Segura at Omar Niño sa loob ng siyam na rounds.

 Nagsasanay si Viloria sa Wild Card Gym sa ilalim ni trainer Ruben Gomez at sa likod ni Freddie Roach katuwang si Filipino conditioning coach Marvin Somodio.

“Training camp has been great. I’m ready. I wish the fight were tomorrow,” wika ni Viloria.

 Nakatakda ang kanilang unification bout ng 24-anyos na WBA flyweight champion na si Marquez sa Nobyembre 17 sa Sports Arena sa LA.

“The goal is to make that (knockout) happen,” sabi ni Viloria, dadalhin ang kanyang 31-3-0 (18 knockouts) record. Tangan naman ni Marquez ang 34-2-0 tampok ang 25 knockouts.

 

Show comments