Batang Pinoy Mindanao Leg: Davao, Zamboanga pasok sa National Finals

DAPITAN CITY, Philippines--Namayani ang mga atleta ng Ge­neral Santos City at Davao del Norte sa taekwondo, habang nagbida naman ang Panabo City at Misamis Oriental sa boxing sa pagtatapos ng Philippine Olympic Committee-Philippine Sports Commission Batang Pinoy 2012 Mindanao leg.

Anim na gintong medalya ang kinuha ng Gen. Santos City sa taekwondo, habang may tatlo ang Davao del Norte.

Nagtakbo ang Gen. Santos City ng anim na gold medals sa athletics, samantalang sumuntok ng lima ang Panabo City sa boxing at may tatlo ang Misamis Oriental.

Sa kabila nito, nanguna pa rin ang Davao City at Zam­boanga City sa 11 sports kung saan ang mga gold at silver winners ay makakalaro sa National Finals sa Iloilo City sa Disyembre 5-9.

Humakot ang Zamboanga City ng kabuuang 42 golds, 27 silvers at 25 bronzes, samantalang dalawa ang kanilang kinolekta sa national finals ng pencak silat.

Namuno rin ang Zamboanga City sa karatedo sa kanilang ibinulsang 14 golds medals bukod pa sa 13 sa swimming at 7 sa athletics.

Pumangalawa naman ang Davao City sa inangkin na 40 gold medals, 27 silvers at 14 bronzes tampok ang 15 ginto sa swimming, ang lima rito ay galing sa 15-anyos na si Dara Clariza Evangelista.

Sa chess, tig-anim na ginto ang isinulong ni Fide Master Austin Jacob Lite­ratus ng Davao City mula sa kanyang mga panalo sa boys standard, blitz and rapid at team events.

Kumuha ang Davao City ng 10 gold medals sa chess at may tig-anim sa arnis at athletics at dalawa sa karatedo.

 

Show comments