CHICAGO--Sinandalan ng Oklahoma City si Kevin Durant sa fourth quarter, habang hindi pa rin naglalaro si Chicago Bulls superstar Derrick Rose.
Umiskor si Durant, ang NBA scoring champion, ng 10 sa kanyang 24 points sa final period para banderahan ang Thunder sa 97-91 panalo kontra sa Bulls.
“It was one of those games you have to grind out,” sabi ni Durant. “We’ve been through so many. We know what it takes.”
Sinelyuhan ni Durant ang kanilang panalo nang isalpak ang isang off-balance jumper sa huling 35.1 segundo. Tumipa pa siya ng isang basket at dalawang freethrows.
Iniwanan ng Oklahoma City ang Chicago sa iskoring sa 31-19 sa fourth quarter upang makabangon buhat sa isang six-point deficit.
Humugot naman si Serge Ibaka ng 15 sa kanyang 21 points sa first half at humakot ng team-high 9 rebounds para sa Thunder, tinalo ang Bulls sa tatlo sa kanilang apat na paghaharap sa Chicago.
Nagdagdag si Russell Westbrook ng 16 points at 12 assists para sa Oklahoma City.