^

PSN Palaro

Sa Poc election protest Comelec kikilos

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Magiging abala ang itinalagang Comelec para sa POC election dahil sa mga protestang haharapin mula sa mga nagsumiteng kandidato.

Kahapon ang huling araw para sa mga nais na magprotesta na isulong ang kanilang mga reklamo sa Comelec at kasama sa mga kukuwestiyon ay ang Philippine Karatedo Federation.

Ang grupong pinangu­ngunahan ni Jose Manansala ang siyang sinasabing maghahain ng reklamo laban kay Jose Roma­santa na siyang kinikilalang pa­ngulo ng PFK ng Philippine Olympic Committee (POC).

Hindi umano dapat na katawanin ni Romasanta ang PKF dahil nagdesis­yon na ang Mataas na Hu­kuman na illegal ang isinagawa nilang eleksyon.

Bukod rito, dedesisyunan din ng Comelec na pinangungunahan ni da­ting Kongresista Victorico Chavez ang mga kasapi na sina Ricky Palou at Bro. Bernie Oca, ang kaso kay Go Teng Kok na kalaban ni Jose Cojuangco Jr. sa pampanguluhan ng POC.

Deklarado si GTK ng POC General Assembly bilang persona non grata ngunit sinabi ng Supreme Court na hindi makataru­ngan ito lalo pa’t isinuko ng POC ang kanilang mga argumento sa bagay na ito nang hindi siputin ang mga ipinatawag na pagdinig ng mataas na hukuman.

Sa Nobyembre 5 magpupulong ang Comelec hinggil sa mga bagay na ito.

vuukle comment

BERNIE OCA

COMELEC

GENERAL ASSEMBLY

GO TENG KOK

JOSE COJUANGCO JR.

JOSE MANANSALA

JOSE ROMA

KONGRESISTA VICTORICO CHAVEZ

PHILIPPINE KARATEDO FEDERATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with